Kasalukuyang isinasagawa ang refresher training course para sa bagong batch ng mga train driver ng MRT-3, para ma-update ang kanilang mga kaalaman at kasanayan sa trabaho.
Mayroong conceptual at practical na aspeto ang refresher training program, na pinamamahalaan ng Support Division ng MRT-3.
Bahagi ang nasabing training ng mga programa upang masiguro ang mataas na kalidad ng serbisyo ng mga kawani ng linya, partikular ng mga train driver para sa ligtas at maayos na paghahatid sa mga pasahero.