Kasalukuyang sumasailalim sa refresher training program ang mga train driver ng MRT-3 upang matiyak na akma at sapat ang kanilang kaalaman at kasanayan sa trabaho.
Mayroon itong conceptual at practical na aspeto sa bawat batch ng mga train driver, na pinamamahalaan ng Support Division ng MRT-3.
Bahagi ang nasabing training ng mga programa upang masiguro ang mataas na kalidad ng serbisyo ng mga kawani ng linya.