
Patuloy na bukas ang student lanes sa lahat ng istasyon ng MRT-3 para sa mga estudyanteng mag-a-avail ng 50% discount sa Single Journey Ticket.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na gawing mabilis ang daloy ng pagkuha ng diskwento para sa mas kombenyenteng byahe ng mga estudyante.
Kinakailangan lamang magpakita ng student ID o registration form sa ticket counter para makakuha ng 50% discount sa Single Journey Ticket.
Pangalan at lagda lamang ang ililista sa halip na pumuno ng mahabang form.
Available ang student discount para sa lahat ng estudyante kabilang ang graduate students, mula Lunes hanggang Linggo, kasama ang holidays.