Tinalakay sa pagpupulong ng mga station personnel ng MRT-3 ang mahahalagang operational updates, deployment plans, at iba pang polisiya para sa pagpapabuti ng operasyon ng mga istasyon, Oktubre 9.
Nagkaroon din ng review at updating ng mga station protocol ng MRT-3 upang mas makatugon ang linya sa mga pangangailangan ng mga pasahero.
"Napakahalaga po ng papel ninyong mga station personnel ng MRT-3 dahil sa kayo ang personal na nakakasalamuha ng ating mga pasahero sa araw-araw. Kaya naman, marapat na kayo ay maging kabahagi nitong regular assessment ng ating mga pinatutupad na polisiya para matiyak na tumutugon ang mga ito sa mga pangangailangan ng pasahero," sabi ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon.