
Nagsagawa ng sports fest ang Metrostar Express Multi-Purpose Cooperative (MEMPC), na layong isulong ang kalusugan at maghatid ng kasiyahan sa mga kawani ng MRT-3.
Pinangunahan ni MRT-3 General Manager ang pagbubukas ng aktibidad. Tampok dito ang iba't ibang sports competitions gaya ng darts at badminton.
Ang taunang aktibidad ay may layon din na paigtingin ang samahan, sportsmanship, at pagkakaisa ng mga kawani.