Serbisyong may kalinga, hatid ng MRT-3 para sa mga pasahero

Masiglang sinalubong ng mga kawani ng MRT-3 ang pagbubukas ng panibagong linggo, na panibagong pagkakataon din upang makapaghatid ng serbisyong tatak MRT-3 para sa mga pasahero.

436253461_747947660844770_5355077394298246574_n.jpg 436257946_747947687511434_548290580964302493_n.jpg

Suot ng mga kawani ang pins na may disenyong "MRT-3 Cares," na simpleng pagpapahayag ng pagkalingang kalakip ng serbisyo ng linya.

"Patuloy pong nagsusumikap ang MRT-3 na makapagbigay hindi lamang ng ligtas at komportableng biyahe para sa mga pasahero, ngunit pati na rin ng serbisyong may malasakit at maaasahan araw-araw," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Tuloy-tuloy ang regular na operasyon ng MRT-3 ngayong Lunes, kung saan ang unang biyahe ay kaninang 4:30 am sa North Avenue Station at 5:05 am naman sa Taft Avenue Station.

Ang huling biyahe naman ay mamayang 9:30 pm sa North Avenue Station at 10:09 pm sa Taft Avenue Station.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3