Maingat at masusing isinasagawa ng mga kawani ng MRT-3 ang parerepaint ng rail bridge patungo sa Guadalupe Station.
Ito ay bahagi ng maintenance works ng linya upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng mga steel structures ng Guadalupe bridge.
Isinasagawa ang repainting works sa non-revenue hours o pagkatapos ng operasyon ng MRT-3.