Nagsagawa ng random drug testing ang pamunuan ng MRT-3 sa lahat ng 762 kawani nito, bilang pagsunod sa Resolution No. 1700653 ng Civil Service Commission (CSC), Disyembre 1.
Nakasaad sa resolusyon na kinakailangang sumailalim sa periodic random drug testing ang mga kawani ng gobyerno nang hindi lalagpas sa interval na dalawang taon.
Ito ay upang magarantiyang drug-free ang mga ahensiya ng gobyerno para sa epektibo at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko.
Huling nagpatupad ng random drug testing ang MRT-3 noong Hulyo 2022.