
Naghandog ng Libreng Sakay para sa lahat ng pasahero ang MRT-3 mula 12:00 ng tanghali hanggang sa buong oras ng operasyon, Hulyo 21, sa gitna ng masamang panahon.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magpatupad ng Libreng Sakay upang matulungan ang mga pasahero lalo iyong mga uuwi sa kanilang mga tahanan sa kabila ng malakas na pag-ulan at pagbaha.
Mayroong 220, 452 pasahero ang nakinabang sa Libreng Sakay.