Please take a moment to answer this survey form by rating your satisfaction level

Magkasintahang na-engage sa Ayala Station, binigyan ng regalo ng MRT-3

Isang romantic lunch sa isang fine dining restaurant ang inihanda ng pamunuan ng MRT-3 para sa newly-engaged couple na sina Mac Tolentino at Yen Flores, Pebrero 22.

Matatandaang surpresang nagpropose si Tolentino kay Flores noong launching ng Love Booth ng MRT-3 sa Ayala Station.

Naka-couple shirt pa ang dalawa na saktong nagdiriwang din ng 1st year anniversary ngayong araw. 428620109_702054002100803_280398344622458231_n.jpg

"Masaya po ang MRT-3 na maging kabahagi ng kanilang romantic story. Isa po silang inspirasyon para patuloy pa pong magsikap ang MRT-3 na magbigay ng maayos na serbisyo publiko para sa lahat. Sana ay napasaya namin sila kahit papano ngayong buwan ng pag-ibig," saad ni Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino.

Nagpasalamat naman si Tolentino sa handog ng pamunuan.

"Maraming salamat po sa MRT-3 sa regalo pong ito. Unforgettable po talaga ang araw na ito dahil bukod sa birthday ko po ngayon ay first year anniversary namin as a couple," sabi ni Tolentino.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3