Pinangunahan ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 officer-in-charge Jorjette B. Aquino ang pamimigay-saya sa mga pasahero bilang pagsalubong sa Pasko ngayong Lunes, Nobyembre 6.
Nangharana at personal na namigay ng mga regalo si Asec. Aquino sa mga pasahero kasama si Santa Claus at ang mga empleyado ng MRT-3.
Sumakay rin si Asec. Aquino sa itinalagang "Christmas Train," ang dinekorasyunang tren ng linya at isa sa mga aabangang atraksyon sa panahon ng kapaskuhan.
#ParaTrenNaAngPasko #DOTrPH šµš #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead