Pangulong Marcos, inilunsad ang Pamilya Pass 1+3 Promo kasama ang kanyang pamilya

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr at First Lady Liza Araneta Marcos ang opisyal na paglulunsad ng Pamilya Pass 1+3 Promo, kung saan siya mismo ay sumakay ng MRT-3 kasama ang kanyang buong pamilya.

Layon ng Pamilya Pass 1+3 Promo na pagaanin ang gastusin sa transportasyon ng bawat pamilya tuwing Linggo—isang araw na karaniwang inilalaan para sa pagsasama-sama ng mag-anak sa kulturang Pilipino.

“Ang kultura ng Pilipino, pag Linggo, para sa pamilya ‘yan. Para sa mga mahal sa buhay para mabigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kababayan na maramdaman naman nila ang Linggo,” sabi ni Pangulong Marcos sa launching sa MRT-3 North Avenue Station.

“Kasi alam naman natin na napakahirap ng oras ng mga komyuter. Madalas nating marinig wala na kaming oras sa pamilya. Kaya bigyan natin ng chance para makasama ang inyong pamilya sa pamamagitan nitong Pamilya Pass 1+3 promo," dagdag pa niya.

Kinakailangan lamang magbayad ng pamasahe para sa pinakamalayong istasyon ng isang miyembro ng pamilya o barkada at maaari nang makasakay nang libre ang hanggang sa tatlong kasama.

Bukod sa MRT-3, inilunsad din sa LRT-1 at LRT-2 ang programa na magtatagal hanggang huling Linggo ng Hunyo 2028.

viber_image_2025-06-01_14-34-17-035.jpg viber_image_2025-06-01_14-34-17-955.jpg viber_image_2025-06-01_14-34-18-435.jpg viber_image_2025-06-01_14-34-20-432.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3