Pagmimintina ng mga gulong ng tren, tuloy-tuloy

Gamit ang underfloor wheel lathe machine, masinsinang kinikinis ng mga kawani ng MRT-3 ang mga gulong ng tren, para maayos na mapatakbo ang mga ito sa linya.

Dahil sa araw-araw na paggamit, hindi maiiwasan na magkaroon ng wear ang mga gulong ng tren. Ginagawa ang wheel truing o re-profiling para pakinisin, pantayin ang kapal ng mga gulong, at siguruhing pasok ito sa tolerance, para sa iwas-tagtag na biyahe ng mga tren.

Kung kaya, napakahalaga ng underfloor wheel lathe machine sa pagmimintina ng mga gulong ng MRT-3. Taong 2019 sa kasagsagan ng komprehensibong rehabilitasyon ng linya nang matapos ma-rehabilitate ang makinang ito. Ngayon, patuloy na napakikinabangan ang underfloor wheel lathe machine para sa maayos, komportable, at ligtas na biyahe ng MRT-3.

450967127_783696303936572_1919609274214410117_n.jpg 450537481_783696283936574_4571431169185234497_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3