Mabusising nililinisan ng mga kawani ng MRT-3 ang mga air conditioning units (ACUs) sa lahat ng mga bagon, para mapanatiling fresh at malamig ang biyahe sa mga tren ng MRT-3.
Regular itong isinasagawa ng mga kawani bilang bahagi ng pagmimintina ng mga ACUs, na mahalaga lalo na ngayong panahon ng tag-init.
Hindi lang mabilis, kundi malinis at preskong-presko sa lamig--ganito ang mga tren ng MRT-3 na araw-araw tinitiyak ng linya para sa lahat ng mga pasahero.