Operating hours ng MRT-3, palalawigin; tumatakbong tren, dadagdagan

Magandang balita ang handog ng MRT-3 para sa mga pasahero.

Ito ay dahil sa planong extension sa operating hours ng MRT-3, gayundin ang pagdaragdag ng mga bagon para mas maagang makauwi ang mga pasahero at mas maraming maisakay ang linya.

Layon ng extended operating hours na makapagbigay ng mas maginhawang biyahe ng mga pasahero, lalo na ng mga komyuter na nagtatrabaho hanggang gabi.

Itataas din ang bilang ng mga ide-deploy na mga tren para mapagsilbihan ang mas maraming pasahero at mabawasan ang pila lalo tuwing peak hours.

Ang nasabing mga inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation Vince Dizon na mas bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga pasahero ng pampublikong transportasyon.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3