Mabusising ininspeksyon ng mga technical personnel ng MRT-3 ang bagong dating na spare parts ngayong unang linggo ng Enero. Kasama rito ang mga air conditioning parts, wheels and gearboxes, at electronic parts ng mga tren.
Tinitiyak ng mga kawani ng MRT-3 na nasa tamang bilang at maayos na kalidad ang bawat piyesa upang masiguro ang ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero.
Ngayong bagong taon, patuloy na maghahatid ang MRT-3 technical personnel ng puspusang serbisyo upang matiyak ang maayos na operasyon ng linya at maginhawang biyahe para sa bawat pasahero.