MRT-3, tuloy ang regular na operasyon sa Undas

Tuloy-tuloy ang normal na operasyon ng MRT-3 sa darating na Nobyembre 1, sa kabila ng deklarasyon nito bilang special non-working holiday.

Regular din ang operasyon sa Oktubre 31 at Nobyembre 2.

Ito ay upang makapagserbisyo sa mga pasahero sa nasabing mga araw, kabilang iyong mga magsisiuwian sa kanilang mga probinsya para sa Undas.

Aalis ang unang tren mula sa North Avenue Station kaninang 4:30 ng umaga at 5:05 am naman sa Taft Avenue Station.

Samantala, ang huling biyahe ng tren ay 9:30 pm sa North Avenue Station at 10:09 pm naman sa Taft Avenue Station.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3