Dumalo ang mga kawani ng MRT-3 sa insurance briefing na inorganisa ng Stronghold Insurance, sa pakikipag-ugnayan sa insurer ng MRT-3 na GSIS, Abril 25-26, sa Holiday Inn Makati.
Sa aktibidad, tinalakay ang industry updates, best practices, at recommendations upang mas mapabuti ang risk mitigation at loss prevention measures ng linya.
Nagkaroon din ng briefing sa performance ng service partner ng Stronghold na Lifeline na siyang nagbibigay ng emergency quick response services sa MRT-3.
"Kami po ay nagpapasalamat sa ating insurance partners para sa pagkakataong ito na makapag-review at makapagbigay pa ng mga bagong rekomendasyon para mas mapabuti ang risk mitigation practices ng MRT-3. Ito naman ay para sa mas ikabubuti pa ng ating serbisyo para sa mga pasahero," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.
"We are looking forward to sit again with our insurer to ensure that we are all updated with the realities that MRT-3 encounters everyday as it fulfills its mandate to bring fast, reliable, and comfortable transportation," bahagi naman ni Director for Operations Oscar B. Bongon.