MRT-3, namahagi ng regalo sa mga nanay noong Mother's Day

Namigay ng tote bags na may disenyong "Happy Mother's Day" ang MRT-3 para sa mga nanay na pasahero noong Mother's Day, May 12.

"Pagpupugay para sa ating mga mama, nanay, lola, tita, at maging sa mga tatay na tumatayong ilaw ng tahanan. Sa munting regalo po ng MRT-3, nais nating iparamdam ang paghanga, pasasalamat, at pagsuporta sa kanila sa kanilang hindi mapapantayang mga sakripisyo araw-araw. Saludo po ang MRT-3 sa lakas, tibay, tapang, at puso ng bawat ina," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Ngiti, kilig, at pasasalamat naman ang tugon ng mga nanay sa munting regalo ng MRT-3.

"Malaking pasasalamat po sa regalo ng MRT-3 para sa aming mga nanay," bahagi ng caregiver na si Mae Bacungol.

440377037_747491517557051_7065407050094785049_n.jpg 441881097_747491520890384_2579817733541557968_n.jpg 439865214_747491594223710_5409670431873048261_n.jpg

"Masaya po ako kasi binigyan po ng souvenir at proud ako na nabigyan ng ganitong regalo," saad naman ng inang si Chellden Macasero.

Mayroon ding dinisenyuhang photo wall ang MRT-3 sa Ayala Station para sa Mother's Day.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3