MRT-3, namahagi ng Libreng Sakay sa Rizal Day

Naghandog ng LIBRENG SAKAY ang MRT-3 sa mga pasahero nito noong Disyembre 30, bilang pagdiriwang ng 128th Rizal Day.

Libreng nakasakay ang mga pasahero sa peak hours ng operasyon ng linya mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. sa nasabing araw.

"Ang handog po na LIBRENG SAKAY ng MRT-3 sa Araw ni Rizal ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng dakilang buhay ng ating pambansang bayani. Nawa ay manatiling buhay sa ating mga pasahero ang hangarin at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ni Rizal, tungo sa ating patuloy na pagsulong ng maunlad, malaya, at bagong Pilipinas," sabi ni MRT-3 General Manager Oscar B. Bongon.

Umalis ang unang tren ng MRT-3 mula sa North Avenue station ngayong araw ng 4:30 ng umaga at mula sa Taft Avenue station ng 5:05 ng umaga.

Ang huling tren naman ng linya ay aalis mula sa North Avenue station ng 9:30 ng gabi at mula sa Taft Avenue station ng 10:09 ng gabi.

471493561_898263885813146_3565091705770219181_n.jpg 471492447_898263939146474_2401066119600787007_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3