Nasa kabuuang 64 na solo parents ang nakinabang sa LIBRENG SAKAY ng MRT-3 noong Abril 20, bilang pagdiriwang ng National Solo Parents' Day.
Nagpatupad ng LIBRENG SAKAY sa peak hours ng MRT-3 mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm.
Nagpakita ng valid solo parent's ID sa mga station personnel ang mga pasahero para makatanggap ng LIBRENG SAKAY.
Ang LIBRENG SAKAY ay handog ng MRT-3 para sa mga solo parent bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo.
"Binabati namin ang lahat ng mga solo parent sa kanilang espesyal na araw. Nawa ay napasaya namin sila sa aming libreng sakay, na isang munting handog ng MRT-3 para sa kanilang napakalaki at hindi mapapantayang mga sakripisyo," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.