
Umabot sa 602 ang bilang ng mga marino na nakinabang sa Libreng Sakay ng MRT-3 noong June 25, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.
Ipinatupad ang Libreng Sakay sa buong oras ng operasyon ng linya, bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga marino sa ekonomiya at lipunang Pilipino.
Nagpakita lamang ng Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) o PRC ID ang mga seafarer sa ticket seller o security personnel na naka-istasyon sa service gate upang makakuha ng Libreng Sakay.