MRT-3, namahagi ng Libreng Sakay para sa mga manggagawa sa Labor Day

Umabot sa 27,181 ang mga manggagawang napagserbisyuhan ng LIBRENG SAKAY ng MRT-3 noong Mayo 1, para sa pagdirwang ng Labor Day.

Mayroong 14,379 na nakalibre ng sakay mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at 12,802 naman mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm.

Ang LIBRENG SAKAY ay tugon ng pamunuan ng MRT-3 sa kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagkilala sa malaking kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa pagsusulong ng maunlad at Bagong Pilipinas.

"Amin pong mainit na binabati ang lahat ng mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa. Sa aming munting regalo na libreng sakay, nawa ay maipadama namin ang aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo sa pagtataguyod ng kanilang mga pamilya. Ang atin pong mga manggagawa ang haligi ng ating ekonomiya at nararapat lamang na sila'y ating kilalanin at pasalamatan. Maligayang Araw ng Paggawa po at mabuhay ang lahat ng mga manggagawang Pilipino!" saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

viber_image_2024-05-06_11-04-42-273.jpg viber_image_2024-05-06_11-04-42-305.jpg

Nagpakita ng company ID ang mga manggagawa sa MRT-3 personnel sa mga istasyon para makakuha ng LIBRENG SAKAY.

Nakapagtala naman ng kabuuang 255,234 na ridership ang MRT-3 noong Mayo 1.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3