Umabot sa 75,662 ang mga kababaihang napagserbisyuhan ng MRT-3 sa Libreng Sakay nito noong Marso 8, bilang pagdiriwang ng Women's Day.
May kabuuang 35,692 ang mga babaeng pasahero na nakatanggap ng Libreng Sakay mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 39,970 naman ang nakasakay nang libre mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.
Tuloy-tuloy rin na ipinatupad ng MRT-3 ng segregation scheme para sa mga priority passengers ng linya kasama ang mga kababaihan.
Nakalaan ang unang dalawang pintuan ng unang bagon ng tren para sa mga pasaherong senior citizens, PWDs, buntis, at may kasamang bata. Samantala, nakalaan ang huling tatlong pintuan ng unang bagon para sa mga babaeng pasahero.
#WEcanbeEquaALL #PurpleFridays2024 #DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas