Please take a moment to answer this survey form by rating your satisfaction level

MRT-3, namahagi ng Libreng Sakay para sa mga bata para sa National Children's Month

Namahagi ng Libreng Sakay ang MRT-3 para sa mga bata ngayong umaga, Nobyembre 6, bilang pagdiriwang ng National Children's Month.

Makasasakay nang libre ang mga batang mababa ang edad sa 18 taon mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mamayang muli mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

399718178_642446631394874_140878303484237197_n.jpg 399839071_642446608061543_3254185669497252027_n.jpg

Kinakailangan lamang magpakita ng valid student ID ng mga batang nasa elementarya hanggang high school upang makatanggap ng LIBRENG SAKAY.

Ang LIBRENG SAKAY ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children (CWC), at bilang pagbibigay-pugay sa mga kabataang Pilipino.

#DOTrPH 🇵🇭 #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3