
Umabot sa 78,909 ang mga pasaherong nakatanggap ng Libreng Sakay sa MRT-3 noong Hunyo 12, bilang pagdiriwang ng linya ng Araw ng Kalayaan.
Ang Libreng Sakay ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr na mapagaan ang gastusin sa transportasyon ng mga pasahero at mapalaganap ang pagpapahalaga sa mahahalagang pambansang okasyon.
Mayroong 35,854 pasahero ang nakakuha ng Libreng Sakay mula 7:00 am hanggang 9:00 am at 43,055 naman mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm.
Samantala, nasa 279,048 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong sumakay noong Hunyo 12.