MRT-3, namahagi ng libreng sakay para sa mga kababaihan sa Women's Day

Umabot sa 44,872 ang bilang ng mga pasaherong kababaihan na nakatanggap ng LIBRENG SAKAY sa MRT-3 noong Marso 8, bilang pagdiriwang ng International Women's Day.

Mayroong 21,216 na mga kababaihang pasahero ang nakakuha ng LIBRENG SAKAY mula 7:00 am hanggang 9:00 am. Samantala, 23,656 naman ang nakalibre ng pamasahe mula 5:00 pm to 7:00 pm.

Mayroon namang kabuuang 319,052 pasahero ang naitala noong Marso 8.

Ang LIBRENG SAKAY ay bilang pagkilala at pasasalamat ng MRT-3 sa mga kababaihan sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.

Namigay rin ng libreng mga pamaypay ang MRT-3 sa mga kababaihang pasahero noong Marso 7.

481773084_945561707750030_7156488190445829847_n.jpg 481993652_945561777750023_3713154395297055956_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3