MRT-3, namahagi ng libreng pamaypay sa mga kababaihan para sa Women's Day

Personal na namahagi si General Manager Oscar B. Bongon ng libreng pamaypay sa mga kababaihang pasahero ng MRT-3 bilang paggunita sa Women's Month, Marso 7.

Suot ang kulay purple, namahagi sa North Avenue Station at sa loob ng tren si GM Bongon kasama ang mga kababaihang opisyal at kawani ng MRT-3.

Namigay rin siya sa Shaw Boulevard Station kung saan naka-setup ang instagrammable Photo Booth ng MRT-3 para sa Women's Month.

Ayon kay GM Bongon, layon ng aktibidad na makapagbigay ng ngiti sa mga kababaihan kahit sa simpleng paraan.

"Sana po ay nakapaghatid ang MRT-3 ng kahit kaunting ngiti sa mga kababaihang pasahero, lalo na ngayon na mainit ang panahon. Sana ay magamit at mapakinabangan nila ang ating simpleng handog para sa Women's Month," sabi ni GM Bongon.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3