Nakiisa ang mga kawani ng MRT-3 sa 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Nobyembre 14.
Nag-"duck, cover, and hold" ang mga kawani sa depot sa hudyat ng alarm ngayong alas dos.
Ang paglahok sa emergency drills ay bahagi ng mga aktibidad ng MRT-3 para mapalalim ang kahandaan ng mga empleyado laban sa mga hindi inaasahang sakuna.
Inilunsad ang earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.