
Nakiisa ang mga kawani ng MRT-3 sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), June 19.
Nag-"duck, cover, and hold" ang mga kawani sa depot sa hudyat ng emergency alarm ngayong 9:00 am.
Ang paglahok sa emergency drills ay bahagi ng mga aktibidad ng MRT-3 para mapalalim ang kahandaan ng mga empleyado laban sa mga hindi inaasahang sakuna katulad ng lindol.