Nakilahok ang mga kawani ng MRT-3 sa depot sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Hunyo 28.
Nag-"duck, cover, and hold" ang mga kawani sa tunog ng alarm bell bandang alas dos ng hapon.
Ang pagsali sa earthquake drill ay bahagi ng mga aktibidad ng MRT-3 upang mapataas ang antas ng kahandaan ng mga kawani sa oras ng mga hindi inaasahang sakuna.
"Isa lamang po ang pakikiisa sa earthquake drill ng NDRRMC sa mga regular na aktibidad ng MRT-3 para sanayin ang mga kawani sa kultura ng kahandaan. Sa lahat ng oras lalo sa panahon ng sakuna, buhay at kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.