
Nakaalerto ang buong linya ng MRT-3 para sa Balik-Eskuwela 2025, na nagsimula noong Lunes, Hunyo 16.
Ito ay sang-ayon sa utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na tiyaking maayos, ligtas, at komportable ang biyahe ng mga pasahero, kabilang ang mga estudyanteng magbabalik-eskuwela.
Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng mga K-9 units na mula sa MRT-3 at PCG sa mga istasyon.
Samantala, nakaantabay rin ang mga commuter welfare assistants gayundin ang emergency medical technicians ng MRT-3 upang tumugon sa anumang pangangailangan ng mga pasahero.