Nakataas na sa heightened security alert ang buong linya ng MRT-3 simula Disyembre 20, upang matiyak ang ligtas na biyahe ng mga pasahero ngayong Christmas rush.
May mga security at station personnel na handang umagapay sa mga pasahero sa bawat istasyon. Bukod pa ito sa mga police assistance desks kung saan may mga lokal na pulis na maaaring lapitan ng mga pasahero para sa anumang security concern.
Samantala, nagsimula na rin ang extended operating hours ng MRT-3 noong December 16 at magtatagal hanggang December 23.
Pinalawig hanggang 10:34 pm ang huling biyahe ng tren sa North Avenue Station at 11:08 naman sa Taft Avenue Station. Normal revenue hours naman ang sinusunod para sa unang biyahe sa umaga (4:30 am sa North Avenue at 5:05 am sa Taft Avenue).
Adjusted operating hours naman ang ipatutupad sa December 24, 25, 31, at January 1, 2025. Samantala, normal operating hours ang susundin sa December 26, 27 at mula January 2 at sa mga susunod na araw.