MRT-3, nagpakilig ng mga pasahero sa Araw ng mga Puso

PINUNO NG KILIG AT TAMIS ng pamunuan ng MRT-3 ang biyahe ng mga pasahero noong Pebrero 14, Valentine’s Day.

Personal na namahagi si MRT-3 General Manager Oscar Bongon ng mga rosas, tsokolate, at heart pillows, na labis na ikinatuwa ng mga pasahero.

Nagtampok din ng harana ang mga kawani sa Shaw Boulevard Station kasabay ng pormal na pagbubukas ng Love Booth ng MRT-3.

480010046_929941615978706_6177899596119393757_n.jpg 480200475_929941825978685_2812172636423233772_n.jpg 479379118_929941735978694_7305957946366872226_n.jpg 480085711_929941869312014_2070246254369236265_n.jpg

"Sana po ay napasaya at napakilig natin ang ating mga pasahero ngayong Araw ng mga Puso sa munting sorpresa ng aming linya. At para tuloy-tuloy na makapagpangiti sa ating mga pasahero, ang Love Booth ng MRT-3 ay mananatili po hanggang buong buwan ng Pebrero. Ito ay simpleng paraan upang maipakita ang aming pasasalamat sa kanilang pagtangkilik at ang aming pagkalinga," sabi ni GM Bongon.

Mayroon ding free blood pressure checking para sa mga pasahero sa Shaw Boulevard Station na handog ng medical team ng MRT-3.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3