Sumasailalim sa workshop-seminar ang mga kawani ng MRT-3 ukol sa Safe Spaces Act at Anti-Trafficking in Persons Act sa Depot Training Hall.
Tampok bilang resource speaker si Atty. Mylen B. Gonzales-Esquivel, na isang Gender Resource Program expert ng Philippine Commission on Women.
Layon ng aktibidad na bigyang-linaw ang mga responsibilidad ng kapwa mga kababaihan at kalalakihan sa pagbibigay-buhay sa nasabing mga batas upang makalikha ng ligtas na espasyo para sa lahat.
"Kinikilala ng MRT-3 ang kahalagahan ng paglulunsad ng mga gender-related training at activity. Ito ay upang magkaroon ang mga kawani ng sapat na kaalaman ukol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad sa pagsusulong ng isang lipunang sensitibo sa pangangailangan ng lahat ng kasarian," sabi ni MRT-3 General Manager Engr. Oscar B. Bongon.
Ang aktibidad ay sa pangangasiwa ng Gender and Development Committee ng MRT-3.