MRT-3, naglunsad ng mental health seminar para sa mga kawani

Nagsagawa ng mental health management seminar ang MRT-3 para sa mga empleyado, para mapaunlad ang kaalaman ng mga ito sa stress management at pagkakaroon ng emotional resilience sa trabaho.

Tampok bilang resource speaker si Dr. Alessandra Sofia Babao Guballa, isang psychiatrist, sa seminar na ginanap sa MRT-3 depot.

Tinalakay ni Dr. Guballa ang iba't ibang estratehiya upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng isip at sigla ng mga kawani sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Bilang bahagi ng programa, nagbigay rin ng libreng neurological consultation para sa mga empleyado.

Ang seminar ay bahagi ng adhikain ng MRT-3 na pangalagaan ang kalusugan ng mga kawani nito, katuwang ang iba't ibang pampubliko at pribadong organisasyon.

480309580_932726235700244_6943927699541873728_n.jpg 480499052_932725955700272_4793533483221194361_n.jpg 480317566_932726005700267_4413404319302847333_n.jpg 480407957_932726255700242_3393046355611117004_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3