Naglunsad ng libreng cervical cancer screening ang MRT-3 para sa mga babaeng kawani nito noong Setyembre 6 sa depot.
Ang aktibidad ay sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng MRT-3 sa Department of Health at Quezon City local government unit.
"Kinikilala po ng MRT-3 ang kahalagahan ng maayos na kalusugan para sa bawat manggagawa ng gobyerno upang maayos at buong sigla po nilang magampanan ang kanilang mga responsibilidad. Kaya naman, bahagi ng mga proyekto ng MRT-3 ang matiyak ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga health services sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng gobyerno," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.
Bukod sa libreng cervical cancer screening, nagkaroon din ng breast examination at family planning at health teaching para sa mga empleyado sa nasabing araw.