
Naglunsad ng free film showing at analysis tungkol sa gender at disability ang MRT-3 para sa mga kawani nito kahapon, bilang bahagi ng paggunita ng Women with Disabilities Day.
Sa programa, tinalakay ni GAD Specialist Nikki Estella, na nagsilbing resource speaker, ang stigma na kinakaharap ng mga kababaihan at may kapansanan, pati na rin ang mga maaaring suportang maibigay sa kanila.
Pinag-usapan din ang mga posibleng pag-unlad sa mga programa ng MRT-3 upang maging mas inklusibo at matugunan ang pangangailangan ng lahat.
Inorganisa ang aktibidad ng Gender and Development (GAD) Team ng MRT-3, sa kooperasyon ng Metrostar Express Multi-Purpose Cooperative (MEMPC).