MRT-3, naghandog ng saya at regalo sa mga ama sa Father's Day

Sinorpresa ng MRT-3 ang mga pasaherong ama noong Hunyo 16, Father's Day. Namahagi ng mini pillows ang MRT-3 na may tatak na "Happy Father's Day" sa mga tatay na may kasamang anak o pamilya.

"Taos-pusong binabati ng MRT-3 ang lahat ng mga ama at tumatayong ama ngayong Father's Day. Handog namin itong mga munting regalo sa kanila para makapaghatid ng good vibes at kahit kaunting ngiti ngayong kanilang espesyal na araw. Alam natin na araw-araw kumakayod at nagsasakripisyo ang mga haligi ng tahanan para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Kinikilala natin ang kanilang mga sakripisyo at tayo ay nagbibigay-pugay," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Pinangunahan ni Operations Director Oscar Bongon ang pamamahagi ng regalo sa mga pasaherong ama.

448240944_768285445477658_1965350472323727807_n.jpg 448262468_768285678810968_6320470241986499687_n.jpg

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3