
May kabuuang 733 mga Persons with Disabilities (PWDs) ang nakinabang ng Libreng Sakay na handog ng MRT-3 mula Hulyo 17 hanggang 23, bilang pagdiriwang ng National Disability Rights Week.
Nagsimula ang Libreng Sakay mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm sa nasabing mga petsa.
Ang isang linggong Libreng Sakay ay sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na mapagaan ang gastusin sa transportasyon ng mga pasahero at magbigay-halaga sa mga mahahalagang pagdiriwang sa bansa.
Kinailangan lamang magpakita ng PWD ID sa station personnel sa service gate sa istasyon upang makatanggap ng Libreng Sakay.