Umabot sa 24,998 ang bilang ng mga kawani ng gobyerno na nakatanggap ng LIBRENG SAKAY ng MRT-3 noong Setyembre 18-20, bilang pakikiisa ng linya sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service.
Mayroong 6,675 na mga kawani ng gobyerno ang nakakuha ng LIBRENG SAKAY noong Setyembre 18; 8,572 noong Setyembre 19; at 9,751 naman noong Setyembre 20.
Samantala, mayroon namang 449,870 kabuuang bilang ng pasahero noong Setyembre 18; 432,888 noong Setyembre 19; at 443,416 noong Setyembre 20.
"Ang LIBRENG SAKAY po ay simpleng pamamaraan ng MRT-3 para ipagdiwang at pasalamatan ang mga manggagawa ng gobyerno sa kanilang mga sakripisyo para sa paggampan ng tungkulin. Nawa ay nakapaghatid ito ng kahit kaunting kasiyahan at kaginhawaan sa kanila at makaaasa silang patuloy na pagbubutihin ng linya ang serbisyo para sa lahat ng pasaherong Pilipino," sabi ni MRT-3 General Manager Oscar B. Bongon.
Nakatanggap din ng pagkilala ang MRT-3 mula sa Civil Service Institute sa isinagawang culminating activity ng Philippine Civil Service Week noong Setyembre 30.
Ipinatupad ng MRT-3 ang LIBRENG SAKAY para sa mga kawani ng gobyerno sa buong oras ng operasyon ng linya sa nasabing mga araw.