
MAGANDANG BALITA!
Magkakaroon ng Libreng Sakay ang MRT-3 sa lahat ng Miyerkules ng buwan ng Agosto para sa mga pasaherong gagamit ng National ID sa pagsakay ng linya.
Epektibo ang nasabing Libreng Sakay mula 9:00 am hanggang 11:00 am, at mula 6:00 pm hanggang 8:00 pm sa Agosto 6, 13, 20, at 27.
Ang Libreng Sakay ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na mapalaganap ang paggamit ng National ID, para sa mas madaling mga transaksiyon, pampubliko man o pribado, at mas mabilis at inklusibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan.
Maaaring iprisinta ang physical card, printed paper, o digital copy version ng National ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon upang makatanggap ng Libreng Sakay.