Magpapatupad ang MRT-3 ng adjusted operating hours bilang paghahanda sa holiday season, sang-ayon sa direktiba ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista na makapagbigay ng maginhawang biyahe sa mga pasahero.
Palalawigin ang operasyon mula Disyembre 16 hanggang 23, kung saan magiging 10:34 pm ang huling biyahe ng tren sa North Avenue Station, at 11:08 pm naman sa Taft Avenue Station. Normal revenue hours ang susundin para sa mga unang biyahe sa umaga (4:30 am sa North Avenue at 5:05 am sa Taft Avenue).
Tuloy-tuloy rin ang biyahe sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon (Disyembre 24 at 31), kung saan ang huling biyahe ng tren sa North Avenue ay 7:45 pm, at 8:23 pm naman sa Taft Avenue. Normal revenue hours ang susundin para sa mga unang biyahe sa umaga (4:30 am sa North Avenue at 5:05 am sa Taft Avenue).
Para sa araw ng Pasko at Bagong Taon (Disyembre 25 at Enero 1, 2025), parehong aalis ang mga unang tren sa North Avenue at Taft Avenue ng 6:30 am. Ang huling biyahe naman ay 9:30 pm sa North Avenue at 10:09 pm sa Taft Avenue. Normal operating hours naman ang ipatutupad sa Disyembre 26 at 27, 2024 at mula Enero 2, 2025 at sa mga susunod na araw.