Nakiisa ang mga kawani ng MRT-3 sa Third Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Setyembre 26.
Nag-"duck, cover, and hold" ang mga kawani sa tunog ng warning alarm eksaktong alas 9 at kumilos patungo sa designated evacuation area sa MRT-3 laydown area.
Mayroon ding itinalagang mga injured personnel na kaagad na binigyan ng paunang lunas ng emergency medical team ng MRT-3. Binigyang-diin ni MRT-3 General Manager (GM) Oscar B. Bongon ang kahalagahan ng pakikiisa sa earthquake drill na inilulunsad ng NDRRMC/OCD.
"I cannot overemphasize the importance of holding these simulation drills in order to prepare us for earthquakes and other unpredictable events. These are very important measures to practice how we can protect ourselves during earthquakes and inculcate in us a sense of readiness," sabi ni GM Bongon.