
Nakiisa ang mga kawani ng MRT-3 sa 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Marso 13.
Nag-"duck, cover, and hold" ang mga kawani sa depot sa hudyat ng alarm bandang 3:00 pm.
Ang paglahok sa emergency drills ay bahagi ng mga aktibidad ng MRT-3 para mas mapahusay ang kahandaan ng mga empleyado sa harap ng mga hindi inaasahang sakuna tulad ng lindol.