Nakamit ng MRT-3 ang "Kasangga Award" mula sa Philippine Railways Institute (PRI) sa ginanap na 4th Anniversary at Awarding Ceremony ng ahensya, Disyembre 14.
Ayon sa PRI, ang parangal ay bilang pagkilala sa suporta ng MRT-3 sa ahensya sa paglilinang sa kakayahan ng mga manggagawa sa sektor ng riles sa bansa.
Sa depot at mga istasyon ng MRT-3 madalas inilulunsad ang mga technical training ng mga mag-aaral na kumukuha ng mga railway courses sa PRI.
Tinanggap ni MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar B. Bongon ang pagkilala mula sa PRI, na pinangungunahan ni PRI Executive Director Usec. Anneli R. Lontoc.
Dumalo rin sa pagpaparangal si DOTr Secretary Jaime J. Bautista, Japanese Ambassador H.E. Koshikawa Kazuhiko, Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Sakamoto Takema, Light Rail Transit Authority (LRTA) Deputy Administrator Dr. Paul Chua at Technical Assistant Jassleen Torres.
#PRI #PRIKeepMoving4ward #ExcellenceAndInnovation