MRT-3 General Manager Engr. Federico J. Canar Jr. prinisinta kay DOTr Secretary Jaime J. Bautista ang mga hakbang upang mapabuti ang operasyon ng MRT-3

Iprinisinta ni MRT-3 General Manager (GM) Engr. Federico J. Canar, Jr. kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang mga ginagawang hakbang ng linya upang mas mapabuti ang operasyon at reliability ng MRT-3 system, sa pulong ng mga kinatawan ng rail sector ngayong araw, Enero 9, 2023, sa MRT-3 depot.

Picture3_1b2b171c1a.jpg Picture2_002d7c3f5d.jpg

Ayon kay GM Canar, kasama sa mga mekanismong ipinatutupad na ng MRT-3 ang pagpoposisyon ng mga on-site technicians sa mga interlocking areas sa mainline, gayundin sa mga tren na idinedeploy sa revenue.

Mas madalas din ang ginagawang inspeksyon sa rolling stock, signaling, power supply and overhead catenary system, at iba pang kritikal na component ng MRT-3 system. Bukod pa ito sa pagpapatupad ng regular maintenance procedures sa nasabing subsystems.

Tinitiyak din na sapat ang supply ng mga critical spare parts na nakaposisyon sa mga mahahalagang areas at istasyon ng linya.

"Patuloy po ang strict monitoring ng mga technician at engineer natin sa MRT-3 sa implementasyon ng ating maintenance provider ng mga revised procedures for inspection at maintenance at iba pang corrective actions upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng MRT-3," sabi ni GM Canar.

"What we really want for the whole transport sector is to see to it that the travel experience for passengers is safe, accessible, affordable, and comfortable. We really need to work hard to lessen, if not altogether prevent, inconveniences to our passengers," paalala ni Sec. Bautista.

Kasama sa pulong sina Undersecretary for Rails Cesar B. Chavez, PRI Executive Director and Undersecretary Anneli R. Lontoc, Asst. Secretary for Rails Jorjette Aquino, Light Rail Transit Authority Administrator Atty. Hernando T. Cabrera, Philippine National Railways General Manager Jeremy S. Regino, LRMC President and CEO Juan Alfonso, MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar B. Bongon, at mga kinatawan ng maintenance provider ng MRT-3 na sina Sumitomo Corp. Philippines President Seiji Takano at TESP President Gaku Kondo.

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3