MRT-3 commuter leaves heartwarming message of appreciation

Isang mensaheng nakatataba ng puso ang iniwan ng pasahero sa pintuan ng MRT-3 train operator noong ikatlong araw ng pag-arangkada ng Christmas Train.

Ito ang bahagi ng mensahe:

“Sobrang nakakatuwa sumakay dito dahil sa makulay na decorations at Christmas jingles na tumutugtog sa speakers na dahil dito ay damang-dama namin ang diwa ng Pasko.”

“We appreciate your commitment to service and all of your efforts in providing commuters a pleasant travel experience.” Sa ngalan ng DOTr MRT-3 family, malugod na nagpasalamat si Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 officer-in-charge Jorjette B. Aquino sa nagpaabot ng mensaheng nakatataba ng puso.

400778283_644141894558681_2529908253502810747_n.jpg 401011369_644141941225343_1638696210655720774_n.jpg

Para kay Asec. Aquino, para bang nawala ang pagod ng mga kawani ng MRT-3 nang basahin ang nakakaantig na pagkilala sa kanilang inihandog ngayong paparating ang kapaskuhan.

“Hangad po namin na kahit sa aming maliit na paraan, kami ay makapagbigay ng saya at pagmamahal ngayong paparating na ang Pasko. Malaking kaligayahan po sa amin ang makapagbigay sa kanila ng ngiti dulot ng aming Christmas Train,” sinabi ni Asec. Aquino.

“Buong puso po naming ipadarama ang tunay na diwa ng Pasko, na panahon ng pagbibigayan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagbibigay-inspirasyon, at pagpapaligaya ng kapwa," saad niya.

#ParaTrenNaAngPasko #DOTrPH #SulongMRT3 #BagongPilipinas #RailwaysAtYourService #FullSpeedAhead

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3