Sumailalim sa mandatory random drug testing ang lahat ng mga kawani ng MRT-3, Nobyembre 19, sa depot.
Ang aktibidad ay bilang pagtalima sa CSC Resolution No. 1700653 hinggil sa mandatory random drug testing para sa mga kawani ng gobyerno.
Ito ay upang magarantiyang drug-free ang mga ahensiya ng gobyerno para sa epektibo at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko.