Mga kawani ng MRT-3, sumailalim sa disability-related sensitivity training

Sumailalim sa disability-related sensitivity training ang mga kawani ng MRT-3, Mayo 3, sa MRT-3 depot.

Kasama sa mga lumahok sa training ang mga ticket seller at stations personnel ng linya, na humaharap sa mga pasahero sa araw-araw na operasyon ng MRT-3.

"Bahagi po ang regular training ng mga kawani ng MRT-3 ng personnel development program ng linya. Ang partikular na disability-related sensitivity training po na ito ay mahalaga para mapaunlad ang kaalaman ng mga empleyado hinggil sa pangangailangan ng mga pasaherong may kapansanan. Ito po ay upang makapagbigay sila ng serbisyong may tamang sensibilidad, akma, at tumutugon sa mga pangangailangan ng lahat ng uri ng mga pasahero," saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

440363631_744525027853700_6746980885078638592_n.jpg

Nagsilbing resource speakers sa training ang mga kinatawan mula sa National Council on Disability Affairs (NCDA).

Better Transportation for the Greater Tomorrow

For years now, rapid growth of commuters and vehicles population have plagued Metro Manila, the center of Philippine socio-economic and political activity.

Learn Moreicon
DOTR MRT3